Friday, October 22, 2010

Unawain sana kami

Magandang araw po sa lahat ng mga makakabasa ng blog namin na ito.

Ang blog natin ngayon ay tungkol sa mga taong tumutuligsa sa mga ginagawang blog ng pamunuan ng "Guardians Stop Global Warming Foundation, Inc." at amin pong sasagutin ang kanilang mga sinabi o sinulat para din sa ikaliliwanag ng kanilang mga isipan...

Marami ang nagsasabing bobo lang daw ang naniniwalang mapipigil ang pag-init ng sinag ng araw at mag-aral pa daw kami para malaman ang talagang nangyayari sa ating kalikasan....

Marami din ang nagsasabi na kami ay nangangarap lang na magawa ang mga proyektong pangkalikasan dahil sa lagay o sitwasyon ng ating gobyerno at mga taong ang kaisipan ay taliwas sa ating mga nasimulan....

Marami din ang nagsasabing hindi na namin mapipigil ang paglago ng industriya at magkakaroon lang ng problema kung pababawasan namin ang mga pinakakawalan nilang usok na sumisira ng ating kalikasan....

Ang kanilang mga sinabi o sinulat ay nagpapahiwatig lang na sila ay nabibilang sa panahon ng mga tanga, o nagtatanga-tangahan dahil sa kanilang pansariling interes, kaya masasabi namin na sila ay nabibilang sa mga salot ng kalikasan....

Atin po silang sasagutin ngayon na sana'y mabasa din ng mga taong nagtatanga-tangahan....

Una, talagang bobo lang ang maniniwalang mapipigil ang pag-init ng sinag ng araw, at tahasan kong sinasabi na hindi kami yun, ang sinasabing "GLOBAL WARMING" ay inumpisahan noon pang taong 1992 sa world summit sa Rio de Janiero sa bansang Brazil dahil sa pagdami ng industriya na nagpapakawala ng masamang usok o greenhouse effect na nagiging sanhi ng unti-unting pag-init ng panahon o klima sa mundo.

Noong 1992 hangang taong 2000 ay medyo nagbabago pa ang temperatura ng klima sa mundo, pero simula ng 2000 hangang ngayong panahon ay hindi na bumaba kung hindi ang patuloy na pagtaas na ikinatatakot na maraming mga bansa kaya ginawa ulit ang pangalawang world summit sa Copenhagen noong nakaraang taon, at napagkayarian nila na magbawas ng dalawang porsiyento (2%) sa kanilang mga pinakakawalang masamang usok (Carbon emission)para makatulong na maibaba kahit kaunti ang global warming, at patuloy nila itong gagawin taon-taon ng unti-unti....

Sa aming pangalan o titulo na "Guardians Stop Global Warming Foundation, Inc." ay sadyang ginawa dahil sa pagsunod o pag-gaya sa "Stop Global Warming Organization" na nakabase sa Los Angeles, California, na pinamumunuan ni Ms. Laurie David na ako ay nabibilang din o isang miyembro, at ang salitang guardians ay dahil ang Foundation na ito ay inumpisahan ng mga matitinong "GUARDIANS"....

Sa panahong ito, hindi na masyadong ginagamit ang salitang "GLOBAL WARMING" dahil hindi maintindihan ng mga nagtatanga-tangahan at pinalitan na ng "CLIMATE CHANGE" para mas madaling maintindihan maging ng mga bata, at para sa hindi marunong umitindi ng "English" ito po ay ang "Pagbabago ng Klima"!

Sa dalawang Organisasyon ito, ang "GSGWFI" at "SGWO" ay wala kaming binabanggit tungkol sa sinag ng araw, ang pinipigil (STOP)namin ay ang napipintong pag-init ng panahon o pagbabago ng klima.....na ating magagawa kung lahat tayo ay magkakaisa,....sana'y sa paliwanag na ito ay maliwanagan na ang mga nagtatanga-tangahan.....

Sa mga nagsasabing kami ay nanga-ngarap lang dahil sa mga proyekto naming hindi maisasakatuparan kailanman ay babaligtarin namin sa pagsasabing siya o sila ang nanga-ngarap lang na hindi ito maisasakatuparan dahil gagawin namin lahat ng aming magagawa kahit na ito ay maging katumbas ng aming buhay dahil ito naman ay para sa ating kalikasan at bayan...kaya ang masasabi ko umpisahan na ninyong mangarap dahil gagawin na namin ang kauna-unahan naming proyekto.....

Sa mga nagsasabing hindi na namin mapipigil ang paglago ng industriya ay tama siya o sila, ang "Foundation" natin ay kailanman hindi inisip na magpatigil ng industriya, ito ay itinatag para tumulong at magturo sa mga industriya ng tamang pagpapatakbo ng kanilang industriya na hindi makasisira ng kalikasan o magbawas ng nakasisira at magpapatuloy pa din ang kanilang mga nasimulan, pero kami din ang pupuna kung hindi naayon ang kanilang mga lesensiya o clearances sa mga batas pangkalikasan.....

Sa pamamagitan ng blog na ito ay maunawaan sana kami ng sambayanang "Pilipino", magtulong-tulong na po sana tayo para sa ating kalikasan, para sa bayan, at sa susunod na henerasyon ng ating lahi.....

Ang una po naming proyekto ay kumbinasyon ng "Organikong Pagtatanim at paghahayupan", Organikong Kainan o Restaurant", "Tamang pagsasa-ayos ng mga basura para hindi makasira ng kalikasan at tuloy mapakinabangan","Paglilinis at pagbuhay ng aming mga ilog sa Bulacan at gawin itong "Tourist Spot" o "Pook pasyalan ng mga Turista", at "Pabahay sa mga magtra-trabaho dito gamit ang basura", at idagdag na din natin ang pagtuturo ng paggamit ng computer dahil nakasalalay dito ang pagtuturo at pagsasatagalog o paglilipat sa "Wikang Filipino" ng ating mga batas pangkalikasan!

Hindi po namin ito mapaghihiwahiwalay at gumawa lang ng isang proyekto dahil ito ay magkarugtong-dugtong o may "Link" sa bawa't isa, at isa pa, ito ay gagawin sa lugar ng "Valenzuela City" na malapit sa aming mga ilog ng Bulacan....

Aming pong ipinakikiusap sa lahat ng sangay ng gobyerno, sa mga kumpanya, sa mga assosasyon, foundation, club, at mga taong may mabubuting kalooban na kami ay suportahan sa proyektong ito, hindi lang natin ito gagawin sa Region 3 at NCR na may lesensiya ang GSGWFI sa DSWD, kung hindi sa lahat ng rehiyon ng Pilipinas, ang aming gagawin ay "Pilot Project" lang na puwedeng gayahin ng lahat ng rehiyon sa Pilipinas, at maging sa buong mundo....

Ayaw ba nating masabing sa "Pilipinas" maguumpisa ang tamang sulosyon sa "Global Warming" o "Climate Change", nakikiusap kami na huwag na kaming kontrahin bagkus ay tulungan.....

Marami pong salamat sa nagbasa, mabuhay kayo, at GOD Bless!

Jaime (Leandro) Flores Reyes
Chairman - Guardians Stop Global Warming Foundation, Inc.

Paunawa - Sa lahat ng makakabasa nito na miyembro ng "Kalikasan at "Wikang Filipino"" ay puwede din kayong gumawa ng mga artikulong naglalayon ng pagsagip ng ating kalikasan at ito ay igagawa din natin ng blog sa titulong "Binibining Makakalikasan" kung kayo ay "Babae" at "Ginoong Makakalikasan" kung kayo naman ay "Lalake", ayaw ng aming Chairman na sarilinin ang titulong ito...at ito ay babasahin din sa harap ng kamera para ipalabas sa founderjimrey's channel sa youtube.com,ang pagbasa ng artikulong ito ay gagawin sa mismong lugar ng unang proyekto... padaanin lang po sa aming email add na: miyembrofilipino@virginpecopro.net, salamat po...GSGWFI

No comments:

Post a Comment